Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3
Transcript of Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3
Kagawaran ng Edukasyon
Filipino 3 Pagtukoy sa mga Salitang Magkatugma
Paggamit ng Pahiwatig sa Kahulugan ng
mga Salita
Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Otheza Rosa R. Cortes
Manunulat
Maila C. Lorenzo Rowena R. Dulay Sahlee Y. Donceras
Maricel P. Dimaano Jhanne M. Victorino
Mga Tagasuri
Nelia G. Abejar
Validator
Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:
Natutukoy ang mga salitang magkatugma sa tula o
pangungusap (F3KP-IIb-d-8)
Nakikilala ang mga salitang magkatugma sa tula o
pangungusap.
Nagagamit ang mga salitang magkatugma sa tula o
pangungusap
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung magkatugma
ang pares ng mga salita at ekis (X) kung hindi.
1. bahay – gulay ________________
2. kuwento – husto ________________
3. mataas – mababa ________________
4. katawan – kalayaan ________________
5. makintab – makislap ________________
Panuto: Magbigay ng mga salitang kasintunog ng salitang TABO.
1
2
3
4
5
3
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang pamagat ng tula?
___________________________________________________________
2. Sino ang itinuturing na bayani sa tula?
___________________________________________________________
3. Bakit itinuturing na mga bayani ang mga frontliners?
___________________________________________________________
4. Ayon sa tula, ano ang tinitiis nila araw-araw?
__________________________________________________________
5. Paano ninyo mapasasalamatan ang mga bayaning
frontliners?
___________________________________________________________
FRONTLINERS BAYANI NG BAYAN! MCLORENZO
Kayo ang makabagong bayani ng bayan,
sa panahong COVID19 ay naririyan.
Kayo ang sandata ng karamihan,
upang sa sakit iiwas ang mamamayan.
Sa araw at gabi’y ibinubuwis ang buhay,
upang ang lahat ay huwag ng madamay.
Pagod at puyat, tinitiis araw-araw,
upang iwasang mayroon pang pumanaw.
.
Ang salitang magkatugma ay mga salitang magkatulad ang
tunog sa dulo. Ito ay dalawang salita na parehas ang hulihang
katinig o patinig ngunit magkaiba ang kahulugan.
Halimbawa:
bangkay - bahay
sumulat - kumagat
4
Panuto: Isulat ang pares ng mga pangalan ng larawan na
magkatunog sa loob ng kahon.
1.
2.
3.
4.
https://images.app.goo.gl/RTzhJ6CPM3BfW9kMA https://images.app.goo.gl/mPBSGm4ZzGxh4HpP6
https://images.app.goo.gl/qpMqXjHh6XgqZWW39 https://images.app.goo.gl/aq3hzYpx2ozzxGun8
https://images.app.goo.gl/KBoob9kPFVeuPUze9 https://images.app.goo.gl/LWxYTtCY1FxwP6Ed6
https://images.app.goo.gl/C4oC3KumCJKDf3b67 https://images.app.goo.gl/DGafPU2agUzsLo4B7
5
5.
Paraan ng Paggamit ng Salitang Magkatugma
Ang mga salitang magkatugma ay madalas ginagamit sa
ilang panitikan.
Ito ay masarap pakinggan at madaling masaulo. Ngunit hindi
ito ginagamit sa pang araw-araw na komunikasyon.
Mababasa ang mga salitang magkatugma sa tula, slogan,
musika at dula-dulaan, balagtasan, haiku at tanaka.
Upang ito ay magamit ng mahusay, mahalaga ang pag-
aaral at pagpapalawak ng iyong bokabularyo.
Maaari itong gamitin sa pagpapahayag ng damdamin sa
kaaliw-aliw na pamamaraan.
https://images.app.goo.gl/jhvsu
5fWtBEkmY1p8 https://images.app.goo.gl/TsMTAkuGjg7Xbxgg7
Magkatugma ang mga salita
kung magkatunog ang pares ng
mga hulihang katinig o patinig
nito.
6
Panuto: Isulat sa kahon ang salitang katugma ng nasa larawan.
1.
2.
3.
4.
5.
https://images.app.goo.gl/n5TpsZsGjGVrNdms7
https://images.app.goo.gl/97wuBPenGMVVQ
kLB6
https://images.app.goo.gl/rmBDgccEG9kfgCdy5
https://images.app.goo.gl/afP1twyxCM2YwudK
6
https://images.app.goo.gl/Sb4pwN2PUVh59
nHN6
7
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
PANUTO: Pagtambalin ang mga pares ng salita na
magkatugma.
1. bata A. dama
2. kama B. lata
3. panahon C. lupain
4. salamin D. Bitoy
5. Totoy E. umahon
Sanggunian https://youtu.be/88OpMA84ctc
Cataquiz, Irah Drew B.
Batangas National High School
Mga larawan
https://images.app.goo.gl/RTzhJ6CPM3BfW9kMA
https://images.app.goo.gl/Sb4pwN2PUVh59nHN6
https://images.app.goo.gl/afP1twyxCM2YwudK6
https://images.app.goo.gl/rmBDgccEG9kfgCdy5
https://images.app.goo.gl/97wuBPenGMVVQkLB6
https://images.app.goo.gl/n5TpsZsGjGVrNdms7
https://images.app.goo.gl/jhvsu5fWtBEkmY1p8
https://images.app.goo.gl/mPBSGm4ZzGxh4HpP6
https://images.app.goo.gl/qpMqXjHh6XgqZWW39
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok: 1, 2, 3X, 4, 5 X
Pangwakas na Pagsusulit: 1B, 2A, 3E, 4C, 5D
8
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang:
Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang
kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng katuturan o
kahulugan ng salita (F3PT-Ic-1.5)
Nagagamit ang sitwasyong pinaggamitan ng mga salita sa
pagtukoy ng kahulugan ng salita
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa
Hanay A. Isulat ang letra ng wastong sagot.
Hanay A Hanay B
_____1. alkansya A. halaga ng pera o salaping
natatanggap
_____2. alawans B. kumakalat na virus na nakamamatay
_____3. ATM C. mga taong tumutulong upang
maiwasan ang pagkalat ng virus
_____4. COVID-19 D. bagay na ginagamit upang
pagtaguan ng perang iniipon
_____5. Frontliners E. isang makina na lumalabas ng pera
ginagamitan ng isang kard.
9
Panuto: Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay
magkasingkahulugan o magkasalungat. Isulat
ang letra sa patlang.
A. magkasingkahulugan B. magkasalungat
_____1. Si Jose Rizal ay magiting na bayani at si Andres Bonifacio
naman ay matapang.
_____2. Matangkad ang tatay ko samantala ako ay nagmana sa
nanay ko na maliit.
____3. Ang carbonara ay malinamnam ang lasa dahil
masarap magluto si nanay.
____4. Masarap pitasin ang mga bungang-kahoy sa
bakuran ni lola. Kayraming mga prutas siyang
naaani.
____5. Kayganda ng mga palamuti sa sala ni Aling Nena
sapagkat siya ay mahusay gumawa ng
dekorasyon.
Halina! at basahin ang talata.
Mula sa kaniyang kubo sa itaas ng burol, tinanaw ni Janet ang
mga nagsasayang kanayon na malapit sa dalampasigan. Walang
ano-ano, nakita niya ang papalapit na mga dambuhalang alon sa
dagat. Mabilis na kinuha ni Janet ang sulo at sinilaban ang
nakaimbak na mga pinatuyong palay.
Nakita ng mga kanayon ang usok at apoy mula sa lugar na
imbakan ng kanilang palay. Dali-daling umakyat sa burol ang lahat
upang patayin ang sunog. Pagkaakyat ng kahuli-hulihang
10
sinindihan nakita malalaking alon
inanod kalugar
kanayon, nakita nila ang malalaking alon na tumangay sa
maraming bahay, puno at hayop sa nayon.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Piliin sa kahon ang
kahulugan batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat sa
patlang ang wastong sagot.
1. tinanaw _______________________________________________
2. dambuhala ______________________________________________
3. sinilaban _______________________________________________
4. kanayon ______________________________________________
5. tumangay _______________________________________________
Panuto: Bilugan ang salitang nasa loob ng panaklong na
nagpapahiwatig ng kahulugan ng mga salita.
Halimbawa: lalagyan ng halaman (paso, timba, tabo)
1. Perang kinita sa paghahanap-buhay (pera, suweldo, papeles)
2. Tinapunan ng tubig (binasa, hinampas, pinalo)
3. Walang sapat na kakayanan sa buhay (marangya, mayaman,
mahirap)
4. Tulis ng lapis (pambura, papel, tasa)
5. Bahagi ng katawan na nasunog o sobrang naiinitan (gasgas,
paso, peklat)
Sa pagtukoy ng kahulugan o katuturan ng
salita, ang isang paraan ay ang paggamit ng
pahiwatig na salita sa loob ng pangungusap.
11
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang wastong kahulugan ng
salitang may salungguhit.
1. Madalas mapag-initan ng ibang aso ang alaga kong aso na
si Dagul dahil sa kaniyang kapansanan.
2. Nahihimbing na sa higaan ang mag-anak ng biglang may
kumalabog sa kusina.
3. Nagmamasid ang magulang ni Ana sa kaniyang ginagawa.
4. Malakas na pagsabog ang pumukaw sa pagkakahimbing na
tulog ng mag-anak.
5. Binunggo ng batang tumatakbo ang batang naglalaro sa daan.
binundol tumitingin mapagdiskitahan
natutulog gumising naabutan
12
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Panuto: Gamitin ang pahiwatig sa loob ng pangungusap
upang matukoy ang wastong sagot. Isulat ang letra
ng tamang sagot.
_____1. Pausal na nananalangin si nanay tuwing oras ng orasyon.
A. pabulong B. dasal C. hikbi D. sigaw
____ 2. Mainam sa ubo ang pag-inom ng kinatas na oregano.
A. ininit B. inipit C. inikot D. piniga
____ 3. Malinamnam ang tubig mula sa bukal.
A. batis B. sapa C. sibol D. talon
____4. Dahil sa karukhaan nahirapan ang mag-ama na
maghanap ng pambili ng pagkain.
A. kahirapan C. katanyagan
B. kayamanan D. kalukmukan
____5. Si Jackie ay isang dalagang marikit kaya naaakit ang mga
kalalakihan.
A. maganda C. malungkutin
B. masayahin D. matapobre
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon- Batang Pinoy Ako, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino Aralin 16 pahina 66-
70.
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok: 1D, 2A, 3E, 4B, 5C
Pangwakas na Pagsusulit: 1A, 2D, 3C, 4A, 5A